That's what I realized today. Talaga naman! Kapag nagigipit ang tao, 'di mo talaga alam kung ano ang makakaya niyang gawin.
Lunchbreak. Nasa pantry ako. Kumakain. Bukas ang door ng office, siyempre kasi baka me pasaherong dumating. Meron namang isang taong nasa workstation so kampante akong kumain. Pagbalik ko sa table ko, nag-check pa muna ako ng email. Samantalahin ang break, di ba? Paglingon ko sa gilid ng table ko, voila! Wala na ang aking bag!
Akala ko nuong una, joke lang ng mga officemates ko. So hanap ako. Pero wala talaga. So sinabi ko na sa kanila na nawawala ang bag ko. Sabi naman ng isa kong kasama e me nakita siyang mamang lumabas ng office ng dahan-dahan (nasa may corridor kasi siya). Malay ba naman niyang magnanakaw na nga yun! Kasi nga ang alam niya me tao sa office. At ganun talaga sa office, in/out mga tao kasi kuha ng brochures, may delivery, etc.
So ganun lang. Nasalisihan. Tangay ang aking bag. Buong bag (Alangan namang pieces lang! Ang weird nun!). Nuong una, wala lang sa akin. Okay, sige, nanakaw ang bag ko. Wala lang. Andun yung cellphone ko, wallet, kikay kit, etc. Kaya lang naalala ko 'andun din yung office keys ko. Baka bumalik sa gabi tapos buksan ang office at...Paranoid na ako!
So baba ako ng building. Lakad papuntang Petron. Tinatawagan ang cell ko gamit 'yung company phone. Baka naman me natira pang kahit konting kabaitan sa mama, at ibalik yung bag ko (wish ko lang!). Nakontak ko nga pero nabenta na daw sa kanya 'yung sim ko sa may Virramall parking lot (ows! talaga?!). Sabi ko bibilhin ko kahit magkano, ibalik niya lang ang sim ko. Importante sa akin yun. Di na daw niya ako marinig, tawag na lang uli. Takbo ako sa may sakayan ng Greenhills, andun yung isa kong officemate. Sabi ko punta siya ng Greenhills, hanapin yung mama. Hay! Katangahan! As if naman, makikita 'yung ayaw magpakita.
Parang gusto kong magalit. Kasi naman di ba, pinaghirapan ko 'yun (money and phone) tapos mananakaw lang! Tapos sa loob pa ng office! Na may tao sa office! Talaga naman! Pero buti na lang Kristiyano na ako...
God bless you manong, saan ka man naruon. Sana nakatulong sa'yo ang pera at cellphone ko. Huwag ka lang bumalik sa office ha!
Bakit ko nga ba sinulat ito? Wala lang, nagpapaawa. Sa mga maaawa, bilhan niyo ako ng Color Trend na Baby Lips (lipstick). Kabibili ko lang kasi. At naiiyak ako kapag naaalala ko yung lipstick ko. Pati Burt's Bees na lip balm. Kainis! Ang mahal pa naman nun! (Manong, 'wag mong sabihing nagli-lipstick ka rin!) Masyado naman kung hihingi ako ng cell di ba? Ke God ko na lang hihingin 'yun. Advanced birthday gift, Christmas gift? Bahala na kayo. Basta isa na yun sa wishlist ko.
Ngayon, maaga kaming uuwi. Sa office, 4 lang kaming merong susi. Yung 2 naka-leave. Yung 1 naman hanggang 5 lang siya, kasi 8 pasok niya. Tapos ako, nandun natangay ni Manong. Kaya maaga kaming uuwi. Isa pa, I need time to nurse my broken pocket. Buti na lang pumayag si Loida! Thank you talaga!
In conclusion: mag-ingat kayong lahat! Sa tindi ng pangangailangan ng mga tao ngayon, magugulat talaga kayo sa kayang gawin ng tao, maibsan lang ang hirap. O siya, drama special na ito!
1 comment:
haha... ganyan nga talaga... dont worry sis, lipstick lang yan... hehehe...dont worry about the rest... ill get you THOSE in the next 3 years... PROMISE!!!
Post a Comment